Archive for March, 2006

Ang Buhay Nga Naman

Wednesday, March 29th, 2006

Hay, nakakapagod. Pero ganyan talaga, wala kang mapapala kung hindi ka kikilos. Bali wala din naman ang lahat ng bagay na nakukuha mo kung hindi mo rin naman pinagpaguran. Marami sa atin ang hindi talaga nakaka-alam kung ano ang dapat nating gawin sa ating buhay. Kung anu-anong hinihintay. Kung anu-anong inaasahan. Hindi naman masamang mag-antay, hindi rin naman masamang umasa. Natural lang naman ang umasa sa iba, tulad sa iyong magulang, kung hindi mo pa kaya mag-isa. Natural din namang mag-antay kung kinakailangan talaga. Ngunit sa kabila ng mahabang pag-aantay, isang bagay lang naman ang hindi dapat mawala, pag-asa. Ito kasi ang bagay nagbibigay sa’yo ng direksyon at determinasyon upang ipagpatuloy ang buhay. Maiksi ang buhay. Hindi mo alam kung saan ka ipapadpad. Ngunit kung ano ang kalagayan mo ngayon ay idinidikta ng kung hanggang saan kaya mong ibahagi ang iyong pag-asa sa iba. Ang pagpapakita ng iyong pag-kagalak sa iyong estado ng pamumuhay sa ngayon ay ngpapatunay na hindi ka nawawalan ng pag-asa. Maraming bagay ang maaring hindi makapagpa-alaala sa iyo kung nasaan ka na at kung ano na ang narating mo. Mahirap, masalumuot, matagal. Minsan nakaka-inip, minsan nakakasuka. Mabilis, nakakahilo…Pahalagahan mo ang mga bagay na pinag-kakaloob sa iyo at huwag mong iisipin na ang mga bagay na meron ka ngayon ay permanente. Lumilipas ang lahat…